Ano ang gagawin mo pag dumating ung araw na ang lahat ng pinaniniwalaan mo ay pawang mga kasinungalingan lang pala?
Ano ang mararamdaman mo kung malaman mong ang marami sa mga taong pinagkakatiwalaan mo ay walang tiwala sa'yo?
Ano ang gagawin mo sa oras na pakiramdam mo mag-isa ka lang?
Paano mo haharapin ang bawat araw ng may pag-aalinlangan?
Paano mo gugustuhing makasama ung mga taong may ibang tingin sa'yo?
Paano mo malalaman kung sino ung mga tunay mong kaibigan sa mga ganitong panahon?
Kanino ka sasandal?
Sino ang iiyakan mo?
Sino ung pwedeng mong takbuhan?
Magagawa mo pa kayang tumawa sa oras na nararanasan mo ito?
IKAW! anong gagawin mo?
Kasi ako hindi ko alam kung anong gagawin ko eh!
Naguguluhan ako!
Hindi ko alam ang gagawin ko!
Gusto kong umiyak pero hindi pwede eh! Kasi once na makita nila akong umiiyak ay mas maiisip lang nila na mahina ako...
Anong bang mali sa akin?
Ano ba ung kasalanan ko?
Ano bang dapat kong baguhin?
Pasensiya na ah? 18 years na akong ganito pero ngayon ko lang to naranasan.
Ang sakit, Ang hirap!
Ayaw naman ata nila sa akin eh...kung ganun naman eh hindi na lang ako magpapakita sa kanila para walang gulo....para maging masaya sila...
Sa tingin ko nga eh totoo ung laging kong sinasabi na...kahit mawala ako ay walang maghahanap sa akin....
Kasi sino ba naman ako? Ngayon pa na alam ko na ang totoo!
Lalayo na lang ako.......
Para wala ng gulo....
Pero bago ako lumayo....gusto kong magpasalamat!
Salamat sa masasayang oras na kasama kayo!
Salamat sa mga tawanan!
Salamat sa mga biruan!
Salamat sa pagtuturo sa akin ng maraming bagay!
Salamat kasi naging andyan kayo kahit papaano (na hindi ko alam kung totoo o napipilitan lang kayo :'( )
Paalam na!
Sorry kung nakagulo lang ako sa buhay niyo!
Hayaan niyo 'di na ako babalik pa....
Maraming salamat at paalam na! :'(